
28 July 2026
Patakaran sa eCommunications
Inaatas ng ilang partikular na batas at regulasyon sa Taptap Send at ang mga banking partner nito (gaya ng Lead Bank) (“kami” o “namin”) na magbigay sa iyo ng partikular na impormasyon sa pasulat na paraan, na nangangahulugang may karapatan kang makatanggap ng impormasyong nasa papel. Puwede naming ibigay ang naturang impormasyon sa iyo sa electonic na paraan kung ipapakita namin sa iyo ang Patakaran sa Mga eCommunication na ito bago ka pumasok sa isang kasunduan kasama namin para sa aming mga serbisyo, at kukunin namin ang pahintulot mong electronic na matanggap ang impormasyon.
Mga electronic na komunikasyon
Alinsunod sa nauugnay na Kasunduan, puwede naming ibigay sa iyo ang mga sumusunod na kategorya ng impormasyon (“Mga Komunikasyon”) sa mga electronic na paraan:
Mga Kasunduang sinang-ayunan mo, kasama ang mga update at pagbabago sa mga iyon;
mga resibo o kumpirmasyon ng transaksyon;
mga account statement at iyong history ng transfer;
anupamang paghahayag o abiso na ibinibigay kaugnay ng aming mga serbisyo, kabilang ang mga kinakailangan ng batas;
anumang komunikasyon sa serbisyo sa customer, kabilang ang mga komunikasyong tungkol sa mga claim ng error o hindi awtaorisadong paggamit ng aming mga serbisyo; at
anupamang komunikasyong may kaugnayan sa aming mga serbisyo o sa amin (hindi kasama ang mga komunikasyon ng marketing o promosyon).
Depende sa uri ng Komunikasyon, posibleng ibigay ang mga ito sa pamamagitan ng:
pag-post ng mga ito sa website;
app (kabilang ang sa pamamagitan ng push-notification); at/o
pag-email ng mga ito sa iyo sa email address na ibinigay mo sa amin.
Electronic kaming magbibigay ng mga komunikasyon sa account at seguridad (kabilang ang mga kumpirmasyon ng pagbabago ng address) sa pamamagitan ng email.
Mga kinakailangan sa hardware at software
Para ma-access at mapanatili ang mga electronic na Komunikasyon, kakailanganin mo ang mga sumusunod na computer hardware at software:
Mobile device na may koneksyon sa internet at kasalukuyang bersyon ng App na may kakayahang makatanggap, mag-access, magpakita, at mag-print o mag-store ng Mga Komunikasyon mula sa amin sa electronic na anyo.
Valid na email address (ang email address mo na nasa file namin).
Pdf reader para makapagbukas ng mga dokumento sa .pdf format.
Sapat na storage space para ma-save ang mga nakaraang Komunikasyon at/o ma-print ang mga ito.
Pakitandaan na kung gumagamit ka ng filter ng spam na nagba-block o nagre-reroute ng mga email mula sa mga sender na hindi nakalista sa email address book mo, dapat mong idagdag ang Taptap Send sa iyong email address book para matanggap mo ang Mga Komunikasyong ipinapadala namin sa iyo.
Aabisuhan ka namin kapag may anumang malaking pagbabago sa kailangang hardware o software para makatanggap ng mga electronic na Komunikasyon mula sa Taptap Send. Dapat mong tiyaking may access ka sa kinakailangang equipment at nakakatanggap, nakakapagbukas, at nakakapag-print o nakakapag-download ka ng kopya ng anumang Komunikasyon para may sarili kang record. Puwede kang mag-print o mag-save ng kopya ng Mga Komunikasyong ito para sa mga record mo dahil posibleng hindi na ito ma-access online sa susunod.
Pagpapanatiling up to date ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Posibleng may personal na impormasyon tungkol sa iyo at sa mga transfer mo sa Mga Komunikasyon, kaya mahalagang tamang email address ang ibigay mo at panatilihin itong up to date. Responsibilidad mong ibigay at panatilihing up to date ang email address mo para magawa naming makipag-ugnayan sa iyo sa electronic na paraan. Puwede mong i-update ang iyong email address kahit kailan sa pamamagitan ng pag-log in sa App, at pagpili sa “Account” sa menu.
Magpapadala kami ng Komunikasyon sa iyo kahit na hindi mo ito natatanggap dahil mali ang email address mo sa file, luma na ito, bina-block ito ng iyong service provider, o hindi ka nakakatanggap sa anupamang dahilan ng mga electronic na Komunikasyon.
Pagbawi ng pahintulot mo
Hindi pinapayagan ng Serbisyo ang pagbibigay ng Mga Komunikasyon sa pamamagitan ng papel na format o iba pang hindi electronic na paraan. Puwede mong bawiin ang pahintulot mo na makatanggap ng Mga Komunikasyon sa electronic na paraan, pero kung gagawin mo ito, kakailanganin naming ihinto ang paggamit mo ng Mga Serbisyo at wakasan ang Kasunduan sa User.
Para bawiin ang iyong pahintulot, dapat kang makipag-ugnayan sa amin sa support@taptapsend.com. Magkakabisa lang ang pagbawi mo ng pahintulot kapag naipaalam mo na sa amin ang iyong pagbawi.