
Pandaigdigang Patakaran sa Privacy ng Taptap Send
Huling na-update: 21 Hulyo 2026
Numero ng bersyon: 1.11
Ipinapaliwanag ng Patakaran sa Privacy na ito kung paano namin kinokolekta, sino-store, ginagamit, ibinabahagi, at ipinoproseso ang iyong personal na data kapag ginagamit mo ang aming website, mga serbisyo, o mobile application (ang “App”). Inilalarawan din nito ang mga karapatang mayoon ka sa iyong personal na data.
Ang personal na data ay nangangahulugang anumang impormasyon tungkol sa isang tinukoy o kayang tukuyin na indibidwal. Hindi ito kinabibilangan ng anonymous na data, na hindi kayang maiugnay ulit sa indibidwal.
Tungkol sa amin
Ang Taptap Send group ay binubuo ng iba't ibang kumpanya (nakatanda sa ibaba, sama-samang tinatawag na “Taptap Send”). Nag-aalok ang Taptap Send ng mga serbisyo sa internasyonal na remittance (at iba pang serbisyo depende sa lokasyon mo) sa pamamagitan ng App at website nito (ang “Mga Serbisyo”).
Ang kumpanya ng Taptap Send na nagbibigay ng Mga Serbisyo sa iyo ang may responsibilidad na iproseso ang iyong personal na data para sa naturang Serbisyo. Ipapaalam namin sa iyo kung sa aling kumpanya ka may kaugnayan sa unang beses na mag-apply ka para sa Serbisyo o gumamit ka nito. Nakadepende ito sa kung saan ka nakatira:
| Bansa / rehiyon | Entity ng Taptap Send | Awtoridad sa pagprotekta ng data |
| EU | Data controller: Taptap Send Belgium S.A. Address at impormasyon ng kumpanya rito. Email: privacy@taptapsend.com | Belgian Data Protection Authority (www.dataprotectionauthority.be/) Makikita mo ang listahan ng mga awtoridad sa pagprotekta ng data sa EU at ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan ng mga ito sa (https://edpb.europa.eu/about-edpb/about-edpb/members_en) |
| UK | Data controller: Taptap Send UK Limited Address at impormasyon ng kumpanya rito. Email: privacy@taptapsend.com | Information Commission (dating Information Commissioner’s Office) (ICO) (www.ico.org.uk) ICO registration number ZA282361. |
| US | TapTap Send Payments Co. Address at impormasyon ng kumpanya rito. Email: privacy@taptapsend.com Telepono: +1 833 916 0670 | Federal Trade Commission (FTC) (www.ftc.gov) |
| Canada | Taptap Send Payments Canada Inc. Address at impormasyon ng kumpanya rito. Email: privacy@taptapsend.com | Office of the Privacy Commission of Canada (OPC) (www.priv.gc.ca/en/) |
| UAE | Data controller: Taptap Send (DIFC) Limited Address at impormasyon ng kumpanya rito. Email: privacy@taptapsend.com Telepono: +971 800 03 212 18 Data Controller: T T S Financial Services Middle East L.L.C Address at impormasyon ng kumpanya rito. | Data Protection Commissioner in the DIFC Artificial Intelligence and Data Authority |
| Australia | Taptap Send Australia Pty Ltd Address at impormasyon ng kumpanya rito. Email: privacy@taptapsend.com | Office of the Australian Information Commissioner (OAIC) (www.oaic.gov.au) |
| New Zealand | Taptap Send New Zealand Address : c/ Buddle Findlay, Level 18, HSBC Tower, 188 Quay Street, Auckland, 1010, New Zealand | Office of the Privacy Commissioner (OPC) (www.privacy.org.nz) |
| Brazil | Data controller: Taptap Send UK Limited Address at impormasyon ng kumpanya rito. Email: privacy@taptapsend.com | Data Protection Agency (ANPD) (https://www.gov.br/anpd/pt-br) |
| Kingdom of Bahrain | Taptap Send Bahrain B.S.C(c) Email: privacy@taptapsend.com | Personal Data Protection Authority of the Kingdom of Bahrain (PDPA) (https://www.pdp.gov.bh/en/index.html) |
Ang ibig sabihin ng “Taptap Send”, “kami”, “amin,” o “namin” ay ang responsableng Taptap Send entity. Kilala ang mga ito bilang ‘controller’ ng iyong personal na data sa ilang hurisdiksyon. Ang ibig sabihin ng “ikaw” ay sinumang bisita sa aming website o App o user ng aming Mga Serbisyo.
Isa itong pandaigdigang Patakaran sa Privacy, ibig sabihin, nalalapat ito sa mga customer ng Taptap Send at sa kanilang personal na data sa lahat ng rehiyon at bansang nakalista sa itaas. Sa kabuuan ng patakarang ito, babanggitin namin ang batas sa pagprotekta ng data, pero ang batas na nalalapat sa iyo ay magdedepende sa kung aling entity ng Taptap Send ang nagbibigay ng Mga Serbisyo sa iyo at sa kung nasaan ka. Ang batas sa pagprotekta ng data na nalalapat sa mga entity ng Taptap Send ay kinabibilangan ng (pero hindi limitado sa) UK General Data Protection Regulation, EU General Data Protection Regulation, Dubai International Financial Centre (“DIFC”) Data Protection Law N°5 of 2020,UAE Federal Decree-Law No. 45 of 2021 on the Protection of Personal Data (“UAE PDPL”), at anumang nalalapat na kinakailangan sa pagprotekta ng data, pagiging kumpidensyal, at data ng customer na ibinibigay ng Central Bank of the UAE (“CBUAE”), UK Privacy Electronic Communication Regulation 2011, EU e-Privacy legislation, Privacy Act 1988 (Cth) ng Australia at Australian Privacy Principles, Privacy Act 2020 ng New Zealand, Brazilian Data Protection Law (“LGPD”), Bahraini Personal Data Protection Law No. (30) of 2018 at iba pang nalalapat na batas sa pagprotekta ng data. Kung nalalapat ang mga mandatoryong probisyon ng nalalapat na batas, mananaig ang mga probisyong iyon kung hinihingi ng batas.
Paano makikipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyong privacy at pagprotekta ng data
Puwede kang makipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyong privacy, para gamitin ang iyong mga karapatan sa data, at para sa impormasyon kung paano namin ginagamit, pinoproseso, sino-store, at pinoprotektahan ang iyong personal na data sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa privacy@taptapsend.com.
| Lokasyon mo | Data Protection Officer (“DPO”) |
| UK, US, Canada, Brazil, o Europe | Ang aming DPO ay ang Evalian Limited, puwede kang makipag-ugnayan sa kanila sa: Email: privacy@taptapsend.com Website: www.evalian.co.uk Address: West Lodge, Leylands Business Park Colden Common, Hampshire SO21 1TH, United Kingdom |
| UAE, Bahrain, Australia, at New Zealand | Nagtalaga kami ng DPO para subaybayan ang pagsunod sa Patakaran sa Privacy na ito. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa kung paano namin pinoprotektahan o ginagamit ang iyong data, paki-email ang aming DPO sa privacy@taptapsend.com |
Mga uri ng personal na data na kinokolekta namin at kung paano namin ito kinukuha
Ang karamihan sa personal na data na pinoproseso namin ay direkta mong ibinibigay sa amin. Itinatakda nito ang impormasyong kinokolekta at pinoproseso namin, at kung saan namin ito kinukuha. Mahalaga ang pangongolekta at paggamit ng data para maibigay ang aming Mga Serbisyo at mapanatiling ligtas ang Mga Serbisyo. Kung pipiliin mong hindi ibigay sa amin ang Personal na Data na hihingiin namin, hindi namin maibibigay ang Serbisyong kailangan mo. Nakakatulong sa amin ang data na mapataas ang kaligtasan ng iyong mga online na pagbabayad, habang pinapababa ang panganib ng panloloko, money laundering, at iba pang mapaminsalang aktibidad.
Impormasyong kinokolekta namin kapag ikaw ay:
|
|
| Impormasyong kinokolekta namin kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo sa aming App o website. |
|
| Impormasyong kinokolekta namin mula sa iba. | Impormasyon mula sa paggamit mo ng mga third-party application, gaya ng Apple App Store o Google Play Store, mga social networking site, gaya ng pangalan, social network ID mo, impormasyon ng lokasyon, email, device ID, browser ID, at litrato sa profile. Ang paggamit mo ng mga third-party application ay napapailalim sa patakaran sa privacy at mga tuntunin ng serbisyo ng mga naturang application. Impormasyon mula sa aming mga service provider sa mga destinasyong bansa, gaya ng mga pangalang nauugnay sa mga partikular na numero ng telepono. |
| Impormasyong kinokolekta namin mula sa social media. | Paminsan-minsan at kung pinapahintulutan ng batas, gagamit kami ng impormasyong available sa publiko tungkol sa iyo mula sa mga piling social media website o app para magsagawa ng mga pinahusay na pagsusuri para sa karampatang pag-iingat o enhanced due diligence checks (para sumunod sa aming mga obligasyon para sa anti-money laundering o screening para sa mga sanction). |
| Impormasyon mula sa iba pang pampublikong source. | May legal kaming obligasyon para i-verify ang iyong pagkakakilanlan bilang bahagi ng aming mga pagsusuri para sa anti-money laundering. Para gawin ito, posible kaming mangolekta ng impormasyon at mga detalye sa pakikipag-ugnayan mula sa mga source na available sa publiko, gaya ng mga online na register o direktoryo, kung pinapahintulutan ng batas. |
| Impormasyong ginagawa namin. | Minsan, puwede kaming gumawa ng bagong personal na data sa pamamagitan ng pagsusuri, kumbinasyon, interpretasyon, at pag-uulat batay sa iba pang data na mayroon kami o may access kami. Puwede rin kaming mag-generate ng QR code para ibigay sa mga payer ang mga detalye ng account ng recipient. |
Dahil sa Mga Serbisyong iniaalok namin, posible kaming magproseso ng personal na data ng mga indibidwal bukod pa sa mga user ng App o website, gaya ng mga recipient ng mga pagbabayad (kabilang ang mga merchant) o iba pang indibidwal na may mga tanong o reklamo.
Kinakailangan sa edad
Hindi idinisenyo ang aming Mga Serbisyo para sa mga wala pang 18 taong gulang. Kung malalaman namin na wala pang 18 taong gulang ang sinumang gumagamit ng aming Mga Serbisyo, gagawin namin ang lahat ng makatuwirang hakbang para tiyaking hindi na kami makakapagproseso pa ng kanilang data at ipapaalam namin ito sa kanila.
Sensitibong personal na data
Sa mga limitadong pagkakataon, mangongolekta, magpoproseso, at magso-store kami ng sensitibong personal na data, halimbawa, para makasunod kami sa aming mga legal at panregulatoryong obligasyon (hal., biometric data para magsagawa ng mga pagsusuri sa anti-money laundering). Depende sa nalalapat na batas, posibleng kasama sa sensitibong personal na data ang impormasyong may kaugnayan sa kalusugan, mga biometric identifier, genetic data, mga panrelihiyon o pilosopikal na paniniwala, etnisidad, pagiging miyembro ng trade union, o mga record ng krimen. Posibleng may mga panuntunan ang iyong hurisdiksyon na nagkaklasipika sa iba pang impormasyon bilang sensitibo.
Ang lahat ng sensitibong impormasyon ay napapailalim sa mga naaangkop na antas ng proteksyon at tinitiyak namin na ipoproseso lang namin ang iyong sensitibong personal na data kung may legal kaming batayan na puwede naming gamitin gaya ng iyong pahintulot. Kung pinapahintulutan ng nalalapat na batas, kinikilala mo na sa paggamit ng aming Mga Serbisyo, pumapayag ka sa pangongolekta namin ng iyong sensitibong personal na data ayon sa nakasaad dito.
Ang aming legal na batayan sa paggamit ng iyong personal na data
Mayroon dapat kaming valid na legal na dahilan para sa paggamit ng iyong personal na data. Kasama sa mga legal na dahilang pinagbabatayan namin, depende sa hurisdiksyon, at sa abot na pinapahintulutan ng batas:
Mga kontraktwal na obligasyon: Kailangan namin ng personal na data para maibigay ang aming Mga Serbisyo at hindi namin maibibigay ang mga ito nang wala ito. Gumagamit kami ng personal na data para pumasok sa mga kasunduan kasama ka at para matugunan ang aming mga kontraktwal na obligasyon.
Mga legal na obligasyon: Sa ilang pagkakataon, may legal kaming responsibilidad na kolektahin at i-store ang iyong personal na data (halimbawa, para sa mga layunin sa buwis o sa ilalim ng mga batas sa anti-money laundering, kailangan naming itabi ang ilang partikular na impormasyon tungkol sa aming mga customer)1.
Mga lehitimong interes: Kapag kinakailangan ito para sa aming mga lehitimong interes (o mga lehitimong interes ng isang third party) at hindi sinasapawan ng iyong mga interes at batayang karapatan ang mga naturang interes;
Pahintulot: Kapag pinahintulutan mo kaming iproseso ang iyong personal na data;
Mahalagang pampublikong interes: Kung mahalaga para sa pampublikong interes ang pagpoproseso ng sensitibong data o data na nasa espesyal na kategorya (hal., data ng etnisidad, biometric data, o data na puwedeng magbunyag ng status ng kalusugan o mga pulitikal na opinyon).
Kung magpoproseso kami ng personal na data na maituturing na data na nasa espesyal na kategorya (hal., biometric data o data na puwedeng magbunyag ng mga pulitikal na opinyon), pinoproseso namin ito sa ilalim ng naaangkop na karagdagang legal na batayan na hinihingi ng nalalapat na hurisdiksyon, gaya ng pahintulot o mahalagang pampublikong interes (kabilang ang pagpigil o pagtukoy sa mga hindi legal na gawain).
Kung hihingiin ng batas, hayagan mo kaming pinapahintulutan na mag-access, magproseso, at magpanatili ng personal na data para maibigay sa iyo ang mga serbisyo sa pagbabayad at mga electronic na serbisyo sa pera.
Bakit namin ginagamit at pinoproseso ang iyong personal na data
Kinokolekta, ginagamit, ipinapahayag, at sino-store namin ang iyong personal na data para sa iba't ibang dahilan na isinaad namin sa ibaba.
Posibleng hindi namin magawa ang mga bagay na ito nang wala ang iyong personal na data. Halimbawa, puwede itong makaapekto sa paggamit mo ng App, ng Website, o sa pagbibigay sa iyo ng aming Mga Serbisyo at sa ilang pagkakataon ay posibleng kailangan naming isara ang iyong account sa amin.
Ginagamit namin ang iyong data para ibigay ang aming Mga Serbisyo:
Para tuparin ang mga kasunduan sa iyo at para pangasiwaan ang ugnayan namin sa iyo.
Para iproseso ang mga pagbabayad at patunayang naisagawa ang mga transaksyon.
Para iproseso ang impormasyon tungkol sa iyong mga contact para maging mas madali para sa iyo na kumonekta sa kanila at mapataas ang katumpakan ng pagbabayad.
Para pangasiwaan ang mga profile ng mga user sa aming mga database.
Para mag-isyu ng mga card at magproseso ng mga pagbabayad na isinagawa sa pamamagitan ng card bilang bahagi ng aming Mga Serbisyo;
Para bigyan ka ng suporta sa customer (puwede naming i-record at i-monitor ang anumang komunikasyon sa pagitan mo at namin, kabilang ang mga tawag sa telepono, para makapagpanatili ng mga record, ma-check ang iyong mga tagubilin, maanalisa, masuri, at mapaganda ang aming Mga Serbisyo para sa mga layunin ng kalidad at pagsasanay).
Para makapagbigay, makapagpanatili, makapag-personalize, makapag-optimize, at mapaganda ang Mga Serbisyo, kabilang ang pananaliksik at analytics tungkol sa paggamit sa Mga Serbisyo, para maalala ka kapag umalis at bumalik ka sa Mga Serbisyo.
Ginagamit namin ang iyong data para paganahin ang aming Mga Serbisyo:
Para i-monitor ang paggamit sa website at App, kabilang ang pagtukoy sa mga pagpapaganda at mga teknikal na pagpapahusay.
Para sa pagsusuri sa customer, para mapangasiwaan ang aming Mga Serbisyo, at para sa mga internal na operation, halimbawa, para sa mga layunin ng troubleshooting, pagsusuri ng data, pag-test, pananaliksik, at istatistika.
Ginagamit namin ang iyong data para matugunan ang aming mga legal na obligasyon at ipatupad ang aming mga karapatan:
Para kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan at i-verify ang iyong mga personal na detalye at detalye sa pakikipag-ugnayan.
Para sumunod sa mga nalalapat na batas, kabilang ang mga batas sa anti-money laundering, paglaban sa pagpipinansya sa terorismo, at mga sanction, kabilang ang pag-verify sa pagkakakilanlan mo.
Para mailatag, magamit, o madepensahan ang isang legal na claim.
Para aksyunan ang anumang kahilingan sa karapatan ng subject ng data.
Para matugunan ang aming mga legal at panregulatoryong obligasyon.
Ginagamit namin ang iyong data para protektahan ka at ang iba pang user laban sa panloloko:
Para i-detect, imbestigahan, at pigilan ang anumang aktibidad na posibleng mapanloko o ilegal, o kung saan puwedeng magamit ang aming Mga Serbisyo sa maling paraan o lumabag sa aming mga patakaran.
Para makasunod sa mga batas kaugnay ng pinansyal na krimen at para kumpirmahing kuwalipikado kang gamitin ang aming Mga Serbisyo. Ginagamit din namin ito para tulungan kaming pamahalaan ang mga panganib sa panloloko na nauugnay sa iyong account.
Ginagamit namin ang iyong data para makipag-ugnayan sa iyo:
Para makipag-ugnayan sa iyo kaugnay ng aming Mga Serbisyo, kabilang ang pag-abiso sa iyo ng mga pagbabago, paghingi sa iyong mga pananaw o komento tungkol sa aming Mga Serbisyo, at para pangasiwaan ang anumang tanong o reklamong mayroon ka.
Kung dati kang customer ng Taptap Send (DIFC) Limited at pagkatapos ay nag-apply para maging customer ng T T S Financial Services Middle East L.L.C, maaari naming muling gamitin ang personal na data na nakolekta ng Taptap Send (DIFC) Limited, kabilang ang data ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan at data ng transaksyon. Ang nasabing data ay ipoproseso ng T T S Financial Services Middle East L.L.C para sa mga sumusunod na layunin: (i) pagtugon sa mga naaangkop na legal at regulatoryong kinakailangan sa pag-onboard; (ii) pag-iwas sa pandaraya at pamamahala ng panganib; at (iii) pagbibigay at pamamahala ng aming mga produkto at serbisyo sa inyo. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng inyong aplikasyon para muling mag-onboard sa T T S Financial Services Middle East L.L.C, tinatanggap ninyo ang abisong ito at, kung kinakailangan ng naaangkop na batas, pumapayag sa pagproseso ng inyong data para sa mga layuning inilarawan sa itaas. Maaari ninyong bawiin ang pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin, alinsunod sa karapatang ng Taptap Send (DIFC) Limited at T T S Financial Services Middle East L.L.C na panatilihin ang data kung kinakailangan ng batas o regulasyon.
Puwede naming gamitin ang iyong data para sa marketing at para makapagbigay sa iyo ng Mga Serbisyong posibleng kainteresan mo:
Para mapaganda ang aming Mga Serbisyo at para sa pangkalahatang development sa negosyo, halimbawa, para makapag-develop ng mga bagong produkto at feature at mag-explore ng mga bagong oportunidad sa negosyo.
Para sa marketing, pagsusuri ng produkto at customer, kabilang ang testing, halimbawa, para mapalawak ang hanay ng aming produkto at ma-optimize ang mga iniaalok namin sa customer.
Para mapangasiwaan ang pagsali mo sa mga kumpetisyon, alok, at event.
Para maibigay sa iyo ang impormasyon, balita, at marketing tungkol sa aming Mga Serbisyo, kabilang kapag nakikipag-partner kami sa iba para makapag-alok ng mga katulad na serbisyo.
Para sa advertising, kabilang ang naka-personalize na advertising at advertising ng mga Taptap Send ambassador.
Kanino namin ibinabahagi ang iyong personal na data
Dahil sa katangian ng aming negosyo, may mga pagkakataon kung kailan ibinabahagi namin ang iyong data sa mga sumusunod na third party. (Hindi namin ibinebenta ang iyong personal na data, maliban kung legal itong gawin sa konteksto ng paglilipat ng negosyo (tingnan ang seksyon 19 sa ibaba).)
Mga kumpanya ng Taptap Send group: Nagbabahagi kami ng data sa mga nauugnay na kumpanya at miyembro ng Taptap Send group kung kinakailangan para ibigay ang aming Mga Serbisyo.
Mga recipient ng Taptap Send: Ibinabahagi rin namin ang iyong personal na data sa taong nagbibigay ng iyong paraan ng pagbabayad at mga recipient (sa pamamagitan ng mga service provider) kung kanino ka nagta-transfer ng pera. Kapag nag-transfer ka, puwedeng matanggap ng recipient ang iyong mga detalye sa iyong pagbabayad (halimbawa, iyong pangalan at IBAN).
Mga service provider ng Taptap Send: Ibabahagi namin ang iyong personal na data sa iba't ibang supplier na nagbibigay sa amin ng mga serbisyong kailangan namin para maibigay sa iyo ang aming Mga Serbisyo, halimbawa:
Mga supplier na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo sa IT, pagbabayad, at delivery;
Mga supplier na tumutulong sa amin na matugunan ang aming mga legal at panregulatoryong obligasyon, gaya ng mga service provider para sa pag-verify ng pagkakakilanlan at mga provider para sa background checking (puwedeng gamitin ng mga provider na ito ang iyong data para magsagawa ng mga pagsusuri sa pamamagitan ng mga credit reference agency, mga pinansyal na institusyon o institusyon sa credit, mga opisyal na register at database, pati na mga ahensya sa pag-iwas sa panloloko para i-verify ang iyong pagkakakilanlan);
Mga supplier na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo sa pagpoproseso at pamamahala ng card;
Ang aming mga partner sa mga serbisyo sa pagbabangko at pinansyal na serbisyo, at mga network ng pagbabayad (kabilang ang Visa);
Mga analytics provider at provider ng impormasyon sa paghahanap;
Mga legal na tagapayo at iba pang propesyonal na tagapayo;
Mga provider ng serbisyo sa customer, mga provider at developer ng survey (kabilang ang mga serbisyo ng chatbot);
Mga supplier, kabilang ang mga provider ng artificial intelligence, na tumutulong sa amin na magbasa at mag-extract ng impormasyon mula sa mga dokumento o larawang ina-upload mo; at
Mga service provider ng komunikasyon.
Mga third party na inawtorisahan mo: Nagbabahagi kami ng personal na data sa mga party na direkta mong inawtorisahan. Ang paggamit ng data ng isang awtorisadong third party ay napapailalim sa patakaran sa privacy ng third party at anumang kasunduang mayroon ka sa kanila. Halimbawa, para sa Visa Click to Pay (kung nalalapat), mga joint controller kami ng iyong personal na data sa ilalim ng Article 26 ng GDPR at, dahil dito, responsable kami sa pag-activate ng iyong card para sa Click to Pay at pagpapadala ng iyong data bilang cardholder sa Visa. Visa ang responsable sa pag-store ng iyong profile sa Click to Pay at pagpapagana sa database ng Click to Pay, pag-verify sa iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga one-time passcode, at pagbibigay ng iyong mga tokenized na detalye ng card sa mga merchant sa pag-check out. Pakibasa ang Pandaigdigang Abiso sa Privacy ng Visa sa: https://www.visa.co.uk/legal/global-privacy-notice
Iba pang third party: May mga pagkakataon din kung saan kailangan naming ibahagi ang iyong personal na data sa kaukulang lupon sa pagpapatupad ng batas, panregulatoryong lupon, ahensya ng pamahalaan, korte, o iba pang third party kapag naniniwala kami na kinakailangan ang pagbubunyag (i) dahil sa nalalapat na batas o regulasyon, o (ii) para gamitin, ilatag, o depensahan ang aming mga legal na karapatan Puwede rin naming ibahagi ang iyong personal na data para tumugon sa mga kahilingan mula sa mga ahensyang pampubliko at pampamahalaan (kabilang ang pagpapatupad ng batas) kapag napatunayan nilang may legal silang awtoridad.
Sa mga advertiser, mga advertising at social media network, mga provider ng analytics at search engine: Nagbabahagi kami ng personal na data sa mga provider na ito (na kinabibilangan ng Google) para pumili at maghatid ng mga nauugnay na advertisement sa iyo at sa iba pa. Kung kakailanganin ng batas, pumapayag ka na gamitin ng mga provider na ito ang iyong personal na data para sa naka-personalize na advertising.
Sa mga ambassador ng Taptap Send: Nagbabahagi kami ng personal na data sa mga ambassador na ka-partner namin para i-promote sa iyo ang Mga Serbisyo. Pumapayag ka na gumamit ang mga ambassador na ito ng personal na data para i-advertise sa iyo ang aming Mga Serbisyo.
Gumagamit kami ng ilang partikular na automated na tool at teknolohiya sa mga limitadong paraan para suportahan ang pagiging efficient at tumpak ng aming mga operation, kabilang ang mga proseso ng karampatang pag-iingat sa customer o customer due diligence at mga layunin para sa pagkilala sa kliyente o Know Your Client. Ang anumang personal na data na pinoproseso sa pamamagitan ng mga naturang tool ay pinapangasiwaan alinsunod sa mga nalalapat na batas at regulasyon sa pagprotekta ng data, at mananatiling ganap na protektado ang iyong mga karapatang i-access, itama, or burahin ang iyong data. Kung mag-a-upload ka ng larawan o dokumento ng mga detalye ng recipient, gumagamit kami ng third-party artificial intelligence provider para basahin at i-extract ang mga detalyeng iyon para pauna naming mapunan ang recipient screen para sa iyo; hindi ito ginagamit para magsagawa ng anumang desisyon tungkol sa iyo.
Mga internasyonal na paglilipat ng data
Dahil internasyonal ang aming Mga Serbisyo, posibleng kailangan naming ilipat ang iyong personal na data sa labas ng bansa kung nasaan ka para matulungan kaming ibigay ang aming Mga Serbisyo.
Kung pinapayagan ng mga nalalapat na batas at regulasyon, ang Personal na data na kokolektahin namin ay puwedeng ilipat sa, at i-store at iproseso sa, United States o United Kingdom, Europe, Canada, at sa anumang iba pang bansa kung saan kami o ang aming mga affiliate, subcontractor, vendor, o partner na processor ng pagbabayad ay may mga pasilidad (halimbawa, mga bansa kung nasaan ang aming mga recipient partner, ayon sa nakasaad sa aming website). Ang mga batas sa U.S. at sa iba pang bansa tungkol sa personal na data ay posibleng iba sa mga batas na nasa iyong estado o bansa. Ang anumang naturang paglilipat ay susunod sa mga proteksyong hinihingi ng nauugnay na batas. Puwede rin itong iproseso ng staff na nag-o-operate sa labas ng bansa kung nasaan ka, na nagtatrabaho para sa amin o para sa isa sa aming mga processor ng pagbabayad. Kasama sa ilan sa mga puwedeng gawin ng naturang staff ang pagtupad sa iyong order ng pagbabayad, pagpoproseso ng mga detalye ng pagbabayad mo, at pagbibigay ng suporta sa customer. Sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong personal na data, kinikilala mo ang paglilipat, pag-store, o pagpoprosesong ito.
Kung ita-transfer namin ang iyong personal na data sa ibang bansa na hindi nag-aalok ng standard ng proteksyon ng data na katulad ng standard sa kung saan ka nakatira, titiyakin namin na sapat na mapoprotektahan ang iyong personal na data at susundin ang mga kinakailangan mula sa mga nalalapat na batas. Halimbawa, titiyakin naming may nakalatag na kontratang may mahihigpit na pag-iingat sa pagprotekta ng data o gagamit kami ng naaangkop na pag-iingat at/o mga panregulatoryong pag-apruba bago namin ilipat ang iyong personal na data. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano namin pinoprotektahan ang iyong data, makipag-ugnayan sa amin.
Marketing at iba pang komunikasyon
Hangga't pinapayagan ng batas, puwede naming gamitin ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan na ibinibigay mo para padalhan ka ng mga pang-marketing na komunikasyon sa pamamagitan ng email, telepono, SMS, whatsapp, push notification, social media, o iba pang format ng komunikasyon tungkol sa aming Mga Serbisyo. Puwedeng kasama rito ang mga balita, mga pampromosyong alok, mga oportunidad na sumali sa mga kumpetisyon at manalo ng mga premyo, at mga update tungkol sa aming kumpanya at Mga Serbisyo (kabilang ang mga bagong serbisyo at produkto).
May karapatan kang hilingin sa amin na huwag iproseso ang iyong personal na data para sa mga layunin sa marketing.
Puwede mong gamitin ang karapatang ito anumang oras sa pamamagitan ng pagpapaalam sa amin o sa pagsunod sa mga tagubiling nasa komunikasyon, hal., pag-unsubscribe mula sa mga email at pag-reply ng ‘STOP’ sa SMS (puwedeng may mga singil sa messaging). Igagalang namin ang desisyon mo at ihihinto namin ang pagpapadala sa iyo ng mga naturang komunikasyon sa lalong madaling panahon na makatuwiran at sa loob ng isang buwan pagkatanggap ng iyong kahilingan na mag-unsubscribe, o anumang mas maikling panahon na hinihingi ng batas. Puwede kang magbago ng pasya anumang oras. Kapag kinakailangan at/o pinapayagan ng batas, puwede kaming makipag-ugnayan sa iyo para kumpirmahin ulit ang pahintulot mo sa mga pang-marketing na komunikasyon o iba pang komunikasyon, kung umaasa kami sa iyong pahintulot para sa aktibidad sa marketing.
Pakitandaan na kung hihilingin mo sa amin na huwag kang kontakin sa pamamagitan ng email sa isang partikular na email address, magtatabi kami ng kopya ng naturang email address sa isang “suppression list” para sundin ang kahilingan mo na huwag kontakin.
Kung mag-o-opt out ka, puwede pa rin kaming magpadala sa iyo ng mahahalagang mensahe sa serbisyo at mga pang-administratibong mensahe, kung saan hindi ka puwedeng mag-opt out.
Authentication ng Taptap Send sa pamamagitan ng SMS
Para makapag-set up kami ng mahigpit na customer authentication sa iyong account, may ipapadalang pin code sa iyong mobile phone kapag nakumpleto mo na ang pag-sign up sa iyong account gamit ang App. Makakatanggap ka ng isang mensahe kada kahilingang mag-authenticate, puwedeng may mga singilin sa pagmemensahe at data.
Kinukumpirma mo na pag-aari mo ang account na nakatalaga sa mobile phone number na inilagay mo. Sa pamamagitan ng pag-sign up sa Taptap Send at pagtanggap sa pin code, sumasang-ayon ka sa aming Kasunduan sa User, sa Patakaran sa Privacy na ito, at sa aming Patakaran sa eCommunications, at kinukumpirma mo na nabasa at nauunawaan mo ang Patakaran sa Privacy na ito. Para humingi ng tulong, makipag-ugnayan sa privacy@taptapsend.com.
Mga link ng website
Naglalaman ang website na ito ng mga link ng iba pang website, na malinaw na minarkahan bilang ganoon. Pakitandaan na wala kaming kontrol sa mga external na website at hindi kami responsable sa pagprotekta at sa privacy ng anumang impormasyong ibibigay mo sa kanila. Sumangguni sa patakaran sa privacy ng website kapag ginagamit ito.
Mga cookie
Ang cookie ay isang maliit na text file na natatangi sa web browser na nasa computer o mobile device mo, na ginagamit para panatilihin ang mga kagustuhan ng user, at mapaganda ang browsing experience. Gumagamit kami ng mga cookie at iba pang teknolohiya ng pag-track sa aming website, App, at sa mga email na ipinapadala namin sa iyo. May ilang cookie na mahigpit na kinakailangan para gumana ang aming App at website; ang iba ay ginagamit para sa analytics, pag-personalize, o marketing. Hindi kami maglalagay ng mga hindi esensyal na cookie o teknolohiya ng pag-track sa device mo nang wala ang iyong pahintulot. Mapapamahalaan mo ang mga kagustuhan mo sa pamamagitan ng mga setting ng cookie na nasa aming website o sa mga setting ng App.
Kinokolekta namin ang mga bare minimum na kinakailangang cookie para i-operate ang nauugnay na website o app. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit sa aming website/App, sumasang-ayon ka sa paggamit namin ng mga esensyal na cookie.
Tingnan ang menu na ‘mga setting ng cookie’ para baguhin ang mga kagustuhan mo sa cookie. Puwede mong palitan ang mga setting ng cookie na nauugnay sa paggamit mo ng aming website, pero puwede nitong limitahan ang kakayahan mong i-access ang ilang partikular na bahagi ng website.
Pakibasa ang aming Patakaran sa Mga Cookie para sa higit pang detalye, kabilang ang lahat ng kumpletong detalye ng mga cookie at teknolohiya ng pag-track na ginagamit namin at kung paano namin kinokontrol ang mga ito.
Automated na pagdedesisyon
Gumagamit kami ng mga automated na proseso para suportahan ang mga desisyon tungkol sa iyong aplikasyon, account, at mga transaksyon. Kabilang dito ang pag-verify sa iyong pagkakakilanlan, pagtatasa sa panganib ng panloloko at pinansyal na krimen, pag-screen ng mga transaksyon, at pagsusuri sa aktibidad ng account. Ang mga prosesong ito ay puwedeng magresulta sa pagtanggi sa iyong aplikasyon, pag-block o pag-decline sa isang panukalang transaksyon, paghihigpit ng access sa iyong account, o pagsasara ng iyong account. Kung ang isang desisyon ay isinagawa lang sa pamamagitan ng automated na pagpoproseso at puwedeng magdulot ng matinding negatibong epekto sa iyo, aabisuhan ka at aalukin ka ng oportunidad na makapagbigay ng dagdag na impormasyon at hamunin ang desisyon sa pamamagitan ng isang mekanismo ng apela, na kinabibilangan ng manual na hindi automated na pagsusuri. Anuman ang sitwasyon, kung sa tingin mo ay naapektuhan ka ng isang automated na proseso, makipag-ugnayan sa amin sa privacy@taptapsend.com.
Pagpapanatili ng data
Sa pangkalahatan ay itatabi namin ang iyong personal na data sa loob ng sampung taon pagkatapos magwakas ang aming ugnayang pangnegosyo sa iyo, o hangga't kinakailangan at pinapahintulutan alinsunod sa iba't ibang lokal na kinakailangan, gaya ng, halimbawa, mga rekomendasyon sa pinakamahusay na kasanayan (hal., mga rekomendasyon ng nagsu-supervise na awtoridad), mga nauugnay na alituntunin (hal., gabay sa employment), o hangga't kinakailangan sa ilalim ng partikular na batas (hal., mga batas sa buwis).
Magtatakda rin kami ng mga naaangkop na tagal ng pagpapanatili batay sa aming mga lehitimong interes kapag may mga natukoy kaming ganito. Bilang isang regulated na pinansyal na institusyon, hinihingi sa amin ng batas na i-store ang ilan sa iyong data nang lampas sa pagwawakas ng ugnayan mo sa amin. Pagkatapos ng naturang panahon, ia-access o ipoproseso lang ang iyong data kung talagang kinakailangan. Palagi naming ide-delete ang data na hindi na kinakailangan ng nauugnay na batas.
Nagsasagawa kami ng mga makatuwirang hakbang para mag-delete o mag-alis ng pagkakakilanlan ng personal na data kung kinakailangan ng nauugnay na batas.
Kung may personal na data na kailangang i-delete o alisan ng pagkakakilanlan, ide-delete namin ito nang manual o awtomatiko, o ia-anonymize namin ito kung imposible ang pag-delete.
Seguridad ng data
Naglatag kami ng mga naaangkop na panseguridad na hakbang para maiwasan ang aksidenteng pagkawala, paggamit, o pag-access sa hindi awtorisadong paraan, pag-alter, o pagbabahagi ng iyong personal na data. Gumagamit kami ng mga makatuwirang pisikal at teknikal na pag-iingat para protektahan ang iyong personal na data, habang tina-transmit ang mga ito at sa panahon ng storage. Walang anumang paraan ng pag-transmit sa internet, kabilang ang email, o paraan ng electronic storage, na 100% secure. Kaya hindi namin ginagarantiyahan ang ganap na seguridad.
Ang lahat ng impormasyong ibinibigay mo sa amin ay naka-store sa aming mga secure na server. Ang anumang transaksyon sa pagbabayad ay ie-encrypt gamit ang Transport Layer Security technology. Responsibilidad mong panatilihing kumpidensyal ang anumang password na ibibigay namin sa iyo. Hinihiling namin sa iyo na huwag ibigay ang password na ito sa sinuman at huwag gamitin ang password na ito para sa iba pang serbisyo o produkto.
Bukod pa rito, nililimitahan namin ang access mo sa iyong personal na data sa mga nangangailangan nito para gawin ang kanilang mga trabaho (hal., mga empleyado, agent, contractor, at iba pang third party na may pangnegosyong pangangailangang makaalam). Kung third party ito, ipoproseso lang nila ang iyong personal na data batay sa aming mga tagubilin at napapailalim sila sa tungkulin ng kumpidensyalidad.
Mga karapatan sa pagprotekta ng data
Binibigyang-daan ng mga batas sa pagprotekta ng data ang iba't ibang karapatan kaugnay ng kung paano pinoproseso ng isang organisasyon ang iyong personal na data.
Kung gusto mong gamitin ang alinman sa mga karapatan sa ibaba, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng nakasulat na kahilingan sa privacy@taptapsend.com. Para sa mga panseguridad na dahilan, hindi namin matutugunan ang iyong kahilingan kung hindi kami sigurado sa pagkakakilanlan mo, kaya puwede kaming humingi sa iyo ng pruweba ng ID.
Magdedepende ang kakayahan mong gamitin ang mga karapatang ito sa iba't ibang salik. Minsan, hindi namin masasang-ayunan ang iyong kahilingan (halimbawa, kung may lehitimo kaming dahilan para hindi ito gawin o hindi nalalapat ang karapatan sa partikular na impormasyong hawak namin tungkol sa iyo). Kung tututol ka sa paggamit namin ng personal na data na kailangan namin para maibigay ang aming Mga Serbisyo, kakailanganin naming isara ang iyong account dahil hindi namin maibibigay sa iyo ang Mga Serbisyo.
Kung gagamitin mo ang isa sa iyong mga karapatan, puwedeng umabot nang hanggang isang buwan bago matugunan o maipatupad ang iyong mga pagbabago, maliban kung may ibang timeframe na tutukuyin ang nalalapat na batas. Kung magpapanukala ng isang partikular na timeframe ang nalalapat na batas para sa pagtugon sa mga kahilingan para sa mga karapatan sa personal na data (halimbawa, sampung araw na may pasok sa ilang partikular na hurisdiksyon), susunod kami sa timeframe na hinihingi ng batas.
Kung nakabase ka sa UK, magsisimula ang aming isang buwang pagtugon sa kung alin ang mas huli sa (a) petsa kung kailan namin natanggap ang iyong kahilingan, o (b) petsa kung kailan kami nakatanggap ng anumang karagdagang impormasyon sa pag-verify sa pagkakakilanlan na hiniling namin. Aabisuhan ka namin kung kailangan namin ng higit pang impormasyon mula sa iyo para tukuyin kung aling impormasyon o mga aktibidad sa pagpoproseso ang hinihingi mo, at ihihinto ang aming isang buwang pagtugon hanggang sa matanggap namin ang karagdagang impormasyong ito.
United Kingdom at ang European Union
Karapatang maabisuhan - May karapatan kang malaman kung aling personal na data ang kinokolekta namin tungkol sa iyo, paano namin ito ginagamit, para saan at alinsunod sa kung aling legal na batayan, kung kanino namin ito ibinabahagi, at kung gaano namin ito katagal itinatabi. Ginagamit namin ang aming Patakaran sa Privacy para ipaliwanag ito.
Karapatang mag-access ng data - May karapatan kang makatanggap ng kopya ng Personal na Data na mayroon kami tungkol sa iyo (minsan, tinutukoy ito bilang “Kahilingan sa Access ng Subject”).
Karapatan sa pagwawasto - May karapatan kang itama ang anumang hindi kumpleto o hindi tumpak na impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo. Puwede ka ring magsagawa mismo ng mga update gamit ang App.
Karapatang magbura - May karapatan kang hilingin sa amin na i-delete ang iyong personal na data kung hindi na ito kailangan para sa layunin kung bakit namin ito kinolekta o kinailangan para matugunan ang aming mga legal na obligasyon o para sa isang lehitimong interes.
Karapatang paghigpitan ang pagpoproseso - Puwede mo kaming sabihang ihinto ang paggamit sa iyong personal na data, kabilang ang para sa marketing.
Karapatang tumutol - May karapatan kang tutulan ang pagpoproseso namin sa iyong personal na data. Kung ang aming legal na batayan sa paggamit ng iyong personal na data ay 'mga lehitimong interes' at hindi ka sang-ayon sa paggamit namin dito, puwede kang tumutol. Gayunpaman, tatasahin namin kung nasasapawan ba ng mga batayan mong karapatan at kalayaan ang aming mga interes.
Karapatan sa portability - Puwede mong hilingin sa amin na maglipat ng personal na data sa iyo o sa iba pang kumpanya.
Karapatang hindi mapailalim sa automated na pagdedesisyon - May karapatan kang mag-opt out sa pagpoproseso namin ng iyong Personal na Impormasyon para gamitin ito para makapagsagawa ng mga automated na desisyon o mag-train ng automated decisioning model.
Canada
Karapatang maabisuhan - May karapatan kang malaman kung aling personal na data ang kinokolekta namin tungkol sa iyo, paano namin ito ginagamit, at para saan kung pinahintulutan mo kaming iproseso ang iyong personal na data. Ginagamit namin ang Patakaran sa Privacy para ipaliwanag ito.
Karapatang i-access ang data - May karapatan kang malaman ang tungkol sa pagkakaroon at paggamit ng iyong personal na data at makatanggap ng kopya ng personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo.
Karapatan sa pagwawasto - May karapatan kang itama ang anumang hindi kumpleto o hindi tumpak na impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo. Puwede ka ring magsagawa mismo ng mga update gamit ang App.
Karapatang tumutol - May karapatan kang tutulan ang pagpoproseso namin sa iyong personal na data kung ang legal naming batayan para sa pagpoproseso ay pahintulot.
Karapatang maghain ng reklamo o tanong tungkol sa aming mga kasanayan – May karapatan kang maghain ng reklamo o tanong sa amin tungkol sa aming mga patakaran at proseso sa personal na data.
Karapatan sa pagbubura - Posibleng may karapatan kang hilingin sa amin na i-delete ang iyong personal na data sa ilang partikular na sitwasyon alinsunod sa mga nalalapat na batas.
Karapatan sa portability ng data. Posibleng may karapatan kang humiling ng kopya ng iyong personal na data, kabilang ang history ng transaksyon mo. Puwedeng i-download ang history ng transaksyon mo sa machine-readable format mula sa App.
Karapatang humiling ng pagsusuri sa mga desisyong isinagawa lang batay sa automated na pagpoproseso – Posibleng may karapatan kang hilingin sa amin na suriin ang mga desisyong isinagawa batay sa automated na pagpoproseso ng iyong personal na impormasyon.
United Arab Emirates
Karapatan sa access - Kapag hiniling, bibigyan ka namin ng impormasyon tungkol sa kung may hinahawakan ba kaming anumang personal na data mo. Bibigyan ka rin namin ng libreng access sa isang kopya ng iyong personal na data na maaaring hawak namin.
Karapatan sa pagwawasto - Puwede mong hilinging suriin, i-delete, o i-update ang iyong personal na data para tiyaking tumpak ito. Puwede ka ring magsagawa mismo ng mga update gamit ang App.
Karapatang magbura - May karapatan kang hilingin sa amin na i-delete ang iyong personal na data kung hindi na ito kailangan para sa layunin kung bakit namin ito kinolekta o kinailangan para matugunan ang aming mga legal na obligasyon o para sa isang lehitimong interes. Ipapaalam namin sa iyo kung alin sa mga personal mong data ang puwedeng burahin nang hindi nilalabag ang aming mga legal na obligasyon.
Karapatang paghigpitan o tutulan ang aming pagpoproseso. - May karapatan kang hilingin sa amin na huwag iproseso ang iyong personal na data kung pinoproseso namin ang iyong data batay sa mga lehitimong interes o para gawin ang isang gawain sa interes ng publiko bilang pagtupad sa opisyal na awtoridad (kabilang ang profiling) o kung gagamitin namin ang iyong data para sa direct marketing (kabilang ang profiling). May karapatan ka ring hilingin sa amin na huwag iproseso ang iyong personal na data habang may nakabinbing kahilingan sa pagwawasto.
Karapatang bawiin ang iyong pahintulot – May karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot kung pinoproseso ang iyong personal na impormasyon batay sa pahintulot. Dahil dito, ihihinto ang anumang pagpoproseso ng iyong personal na data na isinasagawa batay sa pahintulot.
Karapatang hindi mapailalim sa automated na pagdedesisyon - May karapatan kang mag-opt out sa pagpoproseso namin ng iyong Personal na Impormasyon para sa mga layunin ng profiling para itaguyod ang mga eksklusibong automated na desisyong nagpo-produce ng mga legal o katulad na matitinding epekto kaugnay ng consumer.
Karapatan sa portability ng data. May karapatan kang humiling ng kopya ng iyong personal na data, kabilang ang history ng transaksyon mo. Puwedeng i-download ang history ng transaksyon mo sa machine-readable format mula sa App.
Paggamit ng Artificial Intelligence (AI). Gumagamit kami ng AI sa mga partikular at limitadong paraan para pahusayin ang efficiency at katumpakan sa aming mga operation, at para sa mga layunin para kilalanin ang kliyente o Know Your Client. Ang personal na data na pinoproseso sa pamamagitan ng mga AI tool ay pinangangasiwaan alinsunod sa DIFC Data Protection Law at DIFC Data Protection Regulation 10, at ganap na pinapanatili ang mga karapatan mong i-access, iwasto, o burahin ang iyong data.
May karapatan kang hilingin na itama o i-delete namin ang personal na data na nakolekta at pinapanatili namin tungkol sa iyo. Gayunpaman, may ilang pagkakataon kung saan puwedeng tanggihan ang kahilingan mong iwasto o i-delete ang iyong personal na data kung kinakailangan naming itabi ang iyong impormasyon (halimbawa, para sa mga legal o panregulatoryong dahilan).
Karapatang hindi madiskrimina dahil sa paggamit ng alinman sa mga karapatan sa itaas.
United States
Posibleng may mga karagdagang karapatan sa privacy ang mga residente ng ilang partikular na estado:
Kung nakatira ka sa California, sumusunod kami sa California Consumer Privacy Act (CCPA), hangga't nalalapat. Kung nakatira ka sa Connecticut, sumusunod kami sa Connecticut Data Privacy Act (CTDPA), hangga't nalalapat.
Kung nakatira ka sa Minnesota, sumusunod kami sa Minnesota Consumer Data Privacy Act (MCDPA), hangga't nalalapat.
Kung nakatira ka sa Montana, sumusunod kami sa Montana Consumer Data Privacy Act (MCDPA), hangga't nalalapat.
Kung nakatira ka sa Oregon, sumusunod kami sa Oregon Consumer Privacy Law (OCPL), hangga't nalalapat.
Sa seksyong ito, ang ibig sabihin ng “Personal na Impormasyon” ay data na puwedeng ikategorya sa data na direktang tumutukoy sa iyo bilang indibidwal.
Kung nakatira ka sa alinman sa mga estado sa itaas, posibleng mayroon kang ilang partikular na karapatan kaugnay ng pagpoproseso ng data na puwedeng direktang tumutukoy sa iyo bilang indibidwal o puwedeng maikategorya bilang data na direktang tumutukoy sa iyo (“Personal na Impormasyon,” para sa mga layunin ng seksyong ito ng Patakaran sa Privacy):
Karapatang maabisuhan - Kailangan naming ipaalam sa iyo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kung ano ang ginagawa namin sa iyong Personal na Impormasyon. Isinasagawa namin ito sa pamamagitan ng Patakaran sa Privacy na ito. Sa partikular, inilalatag ng Patakaran sa Privacy ang:
Mga kategorya ng Personal na Impormasyon (at sensitibong Personal na Impormasyon) na kokolektahin at ang mga layunin kung bakit ito kinokolekta at ginagamit (pati na kung ibinebenta ba o ibinabahagi ang impormasyon);
Gaano namin katagal itatabi ang iyong Personal na Impormasyon (kabilang ang sensitibong Personal na Impormasyon);
Paano at saan mo puwedeng gamitin ang mga karapatan na mayroon ka sa ilalim ng mga batas sa pagprotekta ng data na nalalapat sa iyo ayon sa nakalista sa itaas, hal., sa pamamagitan ng aming email address na privacy@taptapsend.com;
Mga kategorya ng Personal na Impormasyong ibinabahagi namin sa mga third party, at ang mga kategorya ng mga third party na iyon;
Karapatang mag-access - May karapatan kang hilingin sa amin na kumpirmahin kung pinoproseso ba namin at ina-access ang iyong Personal na Impormasyon. Sa partikular, puwede mong itanong sa amin:
Kung anong mga kategorya ng Personal na Impormasyon at kung anong mga partikular na piraso ng Personal na Impormasyon ang nakolekta namin tungkol sa iyo
Ang mga kategorya ng mga source kung saan kinokolekta ang Personal na Impormasyon
Ang pangnegosyo o komersyal na layunin ng pangongolekta o pagbabahagi ng iyong Personal na Impormasyon
Ang mga kategorya ng mga third party kung kanino namin ipinahayag ang iyong Personal na Impormasyon
Karapatan sa pagwawasto - may karapatan kang itama ang mga pagkakamali sa Personal na Impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo, nang isinasaalang-alang ang katangian ng Personal na Impormasyon at ang mga layunin ng pagpoproseso nito.
Karapatan sa pagbubura - May karapatan kang humiling ng pag-delete ng Personal na Impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo. Gayunpaman, puwede lang gamitin ang karapatang ito kung hindi hihingiin sa amin ng iba pang nalalapat na batas na magpanatili ng nauugnay na Personal na Impormasyon tungkol sa iyo.
Karapatan sa portability ng data. May karapatan kang humiling ng kopya ng iyong Personal na Impormasyon, kabilang ang history ng transaksyon mo. Nada-download ang history ng transaksyon mo sa nagagamit at machine-readable na format mula sa website o App na nagbibigay-daan sa iyo, hangga't maaari, na mailipat ang Personal na Impormasyon nang walang balakid.
Karapatang mag-opt-out - May karapatan kang mag-opt out sa pagpoproseso ng iyong Personal na Impormasyon para sa mga sumusunod na layunin:
Targeted na advertising; o
Pagbebenta ng Personal na Impormasyon (maliban kung pinapahintulutan o hinihingi ng batas).
Hindi Puwedeng Ibenta ang Aking Personal na Impormasyon - Hindi kami “nagbebenta” ng Personal na Impormasyon. Gayunpaman, kung magbebenta man kami ng Personal na Impormasyon sa hinaharap, may karapatan kang mag-opt out sa mga naturang pagbebenta.
Karapatang hindi mapailalim sa automated na pagdedesisyon - May karapatan kang mag-opt out sa pagpoproseso namin ng iyong Personal na Impormasyon para gamitin ito para makapagsagawa ng mga automated na desisyon o mag-train ng automated decisioning model.
Mga karagdagang karapatan sa California - May karapatan kang hilingin na limitahan ang paggamit namin ng sensitibong Personal na Impormasyon sa kung ano lang ang kinakailangan para maisagawa ang mga serbisyo ayon sa makatuwirang inaasahan. May karapatan ka ring hindi madiskrimina dahil sa paggamit sa karapatang ito o sa alinman sa mga karapatan sa itaas.
Abiso para sa Texas - Kung may reklamo ka, makipag-ugnayan muna sa consumer assistance division ng Taptap Send sa 833-916-0670, kung may reklamo ka pa rin sa aktibidad ng kumpanya na hindi naresolba (money transmission o currency exchange), pakidirekta ang iyong reklamo sa: Texas Department of Banking, 2601 North Lamar Boulevard, Austin, Texas 78705, 1-877-276-5554 (toll free),www.dob.texas.gov.
Australia
Karapatan sa bukas at transparent na pamamahala ng iyong personal na data - May karapatan kang malaman kung anong personal na data ang kinokolekta namin tungkol sa iyo at kung para saan. Ginagamit namin ang Patakaran sa Privacy para ipaliwanag ito.
Karapatang mag-access ng personal na data - May karapatan kang makatanggap ng kopya ng o ma-access ang personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo.
Karapatang humingi ng pagtatama - May karapatan kang ipatama ang anumang kulang, luma, hindi tumpak, mapanlinlang, o walang kaugnayang personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo. Puwede ka ring magsagawa mismo ng mga update sa iyong personal na data gamit ang App.
Karapatang hindi mapailalim sa automated na pagdedesisyon - May karapatan kang mag-opt out sa pagpoproseso namin ng iyong Personal na Impormasyon para gamitin ito para makapagsagawa ng mga automated na desisyon o mag-train ng automated decisioning model.
Ang aming mga produkto at serbisyo ay may mga kasamang garantiyang hindi puwedeng i-exclude sa ilalim ng Australian Consumer Law. Walang kahit na ano sa patakarang ito ang nag-e-exclude, naghihigpit, o nagbabago ng anumang karapatan o remedyo, o anumang garantiya, warranty, o iba pang termino o kondisyon, na ipinahiwatig o ipinahayag ng Australian Consumer Law na hindi puwedeng i-exclude o limitahan ayon sa batas.
New Zealand
Karapatang mag-access ng personal na data - May karapatan kang ma-access ang personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo.
Karapatang humiling ng pagtatama - May karapatan kang hilingin sa amin na itama ang personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo. Puwede ka ring magsagawa mismo ng mga update sa iyong personal na data gamit ang App.
Brazil
Kung isa kang residente ng Brazil o nasa Brazil ka noong kinolekta ang iyong personal na data, mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan na puwede mong gamitin anumang oras nang wala kang babayaran.
Karapatang makakuha ng kumpirmasyon ng pagpoproseso – May karapatan kang itanong sa amin kung pinoproseso ba namin o hindi ang iyong personal na data. Pakitandaan na kung ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo, positibo ang magiging tugon namin sa kahilingang ito.
Karapatang i-access ang iyong personal na impormasyon – May karapatan kang makatanggap ng ulat kung saan ipapakita namin ang personal na impormasyong nauugnay sa iyo at pinoproseso namin.
Karapatang itama ang personal na impormasyon na hindi kumpleto, hindi tumpak, o luma – May karapatan kang humiling ng pagtatama sa pamamagitan ng pagsasaad kung ano ang kailangang baguhin at kung bakit sa tingin mo ay mali ang iyong personal na impormasyon. Puwede kaming humingi ng pruweba para gawin ang kinakailangang update.
Karapatang humiling ng pag-anonymize, pag-block, o pag-delete ng personal na data – May karapatan kang hilinging i-anonymize, i-block, o i-delete ang hindi kinakailangan, sobra-sobra, o personal na impormasyong pinoproseso nang hindi nakakasunod sa mga probisyon ng LGPD.
Karapatang hilingin ang portability ng iyong personal na impormasyon – May karapatan kang hilingin ang portability ng iyong personal na data na hawak namin patungo sa ibang provider ng serbisyo o produkto, hangga't nairerespeto ang mga komersyal at industriyal na sikreto.
Karapatang makakuha ng impormasyon tungkol sa kung kanino namin ibinabahagi ang iyong personal na impormasyon – May karapatan kang hilingin na ibigay namin ang impormasyong nauugnay sa pagbabahagi at paggamit ng iyong personal na impormasyon. Pakitandaan na ang impormasyon tungkol sa kung kanino namin puwedeng ibahagi ang iyong personal na data ay nasa seksyon 8 sa itaas.
Karapatang makakuha ng impormasyon tungkol sa posibilidad ng hindi pagbibigay ng iyong pahintulot at ang mga kaukulang kahihinatnan – May karapatan kang maabisuhan tungkol sa posibilidad ng hindi pagbibigay ng pahintulot at ang mga kahihinatnan ng pagtanggi kung ang pahintulot ay ginagamit bilang legal na batayan ng pagpoproseso ng iyong personal na data.
Karapatang bawiin ang iyong pahintulot – May karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot kung pinoproseso ang iyong personal na impormasyon batay sa pahintulot. Dahil dito, ihihinto ang anumang pagpoproseso ng iyong personal na data na isinasagawa batay sa pahintulot.
Karapatang tutulan ang pagpoprosesong labag sa batas – May karapatan kang tutulan ang pagpoproseso sa iyong personal na data kung ayon sa pagkakaintindi mo ay pinoproseso namin ang iyong personal na data sa paraang labag sa batas. Susuriing mabuti ang kahilingan, at kung sasang-ayon kami, ihihinto ang pagpoproseso sa iyong personal na data na hindi nakakasunod sa batas.
Karapatang humiling ng pagsusuri sa mga desisyong isinagawa lang batay sa automated na pagpoproseso – May karapatan kang hilingin sa amin na suriin ang mga desisyong isinagawa batay sa automated na pagpoproseso ng iyong personal na impormasyon.
Kingdom of Bahrain
Karapatang ma-inform at maabisuhan - May karapatan kang maabisuhan kapag kinokolekta o pinoproseso ang iyong personal na data. Kasama rito ang pag-alam sa layunin ng pagpoproseso, ang mga detalye ng data controller, at ang mga recipient ng data mo.
Karapatang i-access ang data - May karapatan kang hilingin ang kumpirmasyon kung pinoproseso ba ang iyong personal na data. Kung oo, puwede mong hingiin ang mga detalye ng data na ito, ang source nito, ang layunin ng pagpoproseso, at kung kanino ito ibinabahagi.
Karapatan sa pagwawasto, pag-block, at pagbubura - May karapatan kang hilingin sa amin na itama, i-block, o i-delete ang iyong personal na data kung ito ay mali, kulang, luma, o naproseso nang labag sa batas.
Karapatang tumutol sa direct marketing - May karapatan kang tutulan ang paggamit sa iyong personal na data para sa mga layunin ng direct marketing. Kung hihilingin mo ito, dapat naming ihinto ang pagpoproseso sa iyong data para sa marketing.
Karapatang tutulan ang pagpoprosesong nagdudulot ng pinsala - May karapatan kang tutulan ang pagpoproseso sa iyong data kung nagdudulot ito ng hindi kanais-nais na matinding pinsala, materyal man o moral. Hindi ito nalalapat kung ibinigay mo ang iyong hayagang pahintulot o kung hinihingi ng batas ang pagpoproseso.
Karapatang tutulan ang automated na pagdedesisyon - May karapatan kang tutulan ang mga pagdedesisyong eksklusibong nakabatay sa automated na pagpoproseso (gaya ng creditworthiness o mga pagtatasa ng performance) at humiling ng paraang may interbensyon ng tao.
Karapatang maghain ng reklamo - May karapatan kang maghain ng reklamo sa Personal Data Protection Authority kung naniniwala kang nalabag ang iyong mga karapatan sa ilalim ng batas o pinoproseso ang iyong data nang labag sa batas.
Mga alalahanin at reklamo
Nauunawaan namin na posibleng may mga alalahanin at reklamo ka kaugnay ng Patakaran sa Privacy na ito at kaugnay ng paraan ng pagpoproseso namin ng personal na data. Kung gusto mong makipag-ugnayan sa amin nang direkta para kausapin kami tungkol sa isang alalahanin o para maghain ng reklamo, puwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa privacy@taptapsend.com at pagsasaad ng kumpletong detalye ng reklamo mo. Kukumpirmahin namin ang pagtanggap sa reklamo mo sa loob ng 30 araw pagkatanggap dito, at iimbestigahan namin ang iyong reklamo sa loob ng makatuwirang tagal ng panahon depende sa kung gaano kahirap at kakumplikado ang reklamo mo. Ipapaalam namin sa iyo ang resulta ng aming imbestigasyon sa lalong madaling panahong kakayanin namin at ipapaalam namin sa iyo ang anumang hakbang na isinagawa o iminumungkahing isagawa para tugunan ang iyong reklamo. Posibleng kailangan naming makipag-ugnayan o kumonsulta sa iba pang party para maimbestigahan at matugunan ang iyong reklamo. Itatabi namin ang mga record ng iyong reklamo at anumang resolusyon. Kung hindi ka masaya sa kung paano namin pinangasiwaan ang iyong personal na data o anumang kahilingang inihain mo para gamitin ang iyong mga karapatan, puwede kang magreklamo gamit ang mga detalyeng nakasaad sa ibaba.
| Kung saan ka nakabase | Paano maghahain ng reklamo |
| EU | Ang pangunahin naming tagapangasiwang awtoridad sa EU ay ang Belgium Authority, at puwede kang magsumite ng reklamo gamit itong link Kung nakabase ka sa iba pang bahagi ng European Economic Area, makikita rito ang listahan ng mga tagapangasiwang awtoridad. |
| UK | Kung hindi ka masaya sa naging resulta ng reklamo mo sa amin, puwede kang mag-escalate sa Information Commission (ICO) ng UK. Puwede kang magsumite ng reklamo gamit ang link na ito. |
| US | Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa paggamit namin ng iyong personal na data, puwede kang magreklamo sa Federal Trade Commission o sa Attorney General o sa katulad na legal na kinatawan ng tinitirhan mong Estado o Teritoryo. |
| Canada | Kung nakabase ka sa Canada, puwede kang makipag-ugnayan sa Office of the Privacy Commissioner gamit ang link na ito. Makakakita ka rin ng listahan ng mga tagapangasiwang awtoridad sa iba't ibang probinsya rito. |
| UAE | Para sa mga reklamo sa privacy sa Dubai DIFC, puwede kang makipag-ugnayan sa Commissioner sa mga detalye sa pakikipag-ugnayan na available sa link na ito. Para sa mga subject ng data mula sa onshore UAE: Artificial Intelligence and Data Authority |
| Australia | Kung nakabase ka sa Australia, puwede kang maghain ng reklamo sa OAIC rito. |
| New Zealand | Kung nakabase ka sa New Zealand, puwede kang maghain ng reklamo sa OPC rito. |
| Brazil | Kung nakabase ka sa Brazil, puwede kang maghain ng reklamo sa Brazilian Data Protection Agency (ANPD) rito. |
| Kingdom of Bahrain | Kung nakabase ka sa Kingdom of Bahrain, puwede kang magreklamo sa Bahraini Personal Data Protection Authority rito. |
Mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito
Magsasagawa kami ng mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito paminsan-minsan para ipakita ang mga pagbabago sa batas, pinakamahusay na kasanayan, at kung paano kami nagpoproseso ng personal na data. Gagawin namin ito sa pamamagitan ng pag-post ng nirebisang bersyon sa website na ito. Inirerekomenda naming tingnan mo ang webpage na ito paminsan-minsan para manatili kang up to date.
Ano ang mangyayari kung magpalit ng may-ari ang aming negosyo?
Paminsan-minsan, puwede naming palawakin o paliitin ang aming negosyo at posibleng kasama rito ang pagbebenta at/o paglilipat ng kontrol ng lahat o bahagi ng aming negosyo. Kung nauugnay ito sa anumang bahagi ng aming negosyo na ililipat, ang anumang personal na data na ibinigay mo ay ililipat kasama ng bahaging iyon, at papayagan ang bagong may-ari o ang bagong kumokontrol na party na gamitin ang data na iyon pero para lang sa mga layunin kung para saan namin ito orihinal na kinolekta.
Halimbawa, sa Australia, inaatasan o inaawtorisahan kaming mangolekta ng personal na data sa ilalim ng mga batas gaya ng Privacy Act, Corporations Act, Anti-Money Laundering and Counter-Terrorism Financing Act, Australian Securities and Investments Commission Act, Autonomous Sanctions Act, Surveillance Devices acts, Telecommunications (Interception and Access) Act, Spam Act, Income Tax Assessment acts, at iba pang batas sa buwis.↩︎